132

Jul 5, 2022 @ 21:54
By

Janno sinupalpal ng abogado: ‘Kahit walang trabaho, nagbabayad pa rin ng buwis’

Nilektyuran ng isang abogado ang aktor na si Janno Gibbs matapos nitong maghimutok patungkol sa bayaran ng buwis.

Ani Janno sa isang IG post, kawawa raw ang mga nasa middle class dahil walang takas sa bayaran.

Mabuti na lamang daw at wala siyang trabaho.

“Bayaran nanaman ng Tax. Buti pa mahirap, walang babayaran. Buti pa mayaman, maraming paraan. Kawawa middle class, walang takas. Buti nlang wala akong trabaho,” hirit ni Janno.

Pero ani Nick Nañgit sa Facebook post, kahit sino at walang trabaho ay nabubuwisan sa pamamagitan ng mga binibiling produkto at serbisyo.

Dagdag niya, ang binubuwisan ay ang kita o income, at hindi dahil mahirap o mayaman.

“Kung walang kinikita, mahirap o mayaman man, e di walang buwis. Ang mayayaman nagbabayad din ng buwis. So, anong may paraan? Iba ang mga korporasyon sa mga indibidwal na nagbabayad ng buwis. At hindi yan dahil mayaman o mahirap sila!” ani Nañgit.

“Lahat binubuwisan, basta’t may kita. Ke purita, middle class, o mayaman, obligasyon yan sa Estado! Lahat ng Estado sa buong mundo ay naniningil ng buwis. Paano mabubuhay ang pamahalaan kung walang buwis?” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?