73

Jul 4, 2022 @ 19:30
By

Janno nakipag-murahan sa basher: P*kinang *na mo ka!

Hindi na nakapagtimpi si Janno Gibbs matapos siyang murahin ng isang netizen.

Nag-ugat ang pambabash kay Janno kaugnay ng kanyang social media post noong Hunyo 29 kung saan sinabi niyang: “Bayaran na naman ng Tax. Buti pa mahirap, walang binabayaran. Buti pa mayaman, maraming paraan. Kawawa middle class, walang takas. Buti na lang wala akong trabaho.”

Nirepost ng netizen na si ‘BBM & SARA 2022’ ang pahayag ni Janno. Matapos ito ay tinag pa ang singer para sabihing, “Hoy Janno Gibbs lahat tayo nagbabayad ng tax buwakang *na ka moving on…”

Kaya ngayong Lunes, muling naghimutok si Janno sa Instagram para resbakan ang basher.

“Ganito na ba talaga tayo ngayon?” wika ng singer. “Oo vocal ako sa mga social at political views ko. Pero laging mahinahon,disente at may halong komedya.”

“Dahil sa vocal ako, alam kong may kaakibat itong kritisismo at open ako dito. Handa ako sa masinsinang diskurso. Yun nga ang pakay ko e. Basta’t disente ang usapan,” aniya.

Sa dulo, minura na rin ni Janno ang ‘di pa nakikilalang basher.

“Pero kung bastos ka, marunong din ako nun, P*kinang *na mo ka!” aniya.

Ang singer ay lantad na kakampink nitong nagdaang eleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?