127

Feb 24, 2021 @ 16:17
By

Janno Gibbs rumesbak sa banat ni Kitkat

Hindi na nakapagtimpi si singer-actor Janno Gibbs laban sa “Happy Time” co-host niyang si Kitkat kaugnay sa umano’y paninigaw niya rito at pagbitiw ng masamang salita.

Ito’y matapos kumpirmahin ni Kitkat na totoo ang insidente at pinatawad na aniya niya si Gibbs pero rumesbak ang huli dahil sa tila pinalalabas ng una na wala itong kasalanan sa nangyari.

“Maraming salamat sa suporta at pagmamahal ninyo.. Dahil ako po ay minamahal ninyo at alam kong blessed ako, AKO PO AY NAKAPAG PATAWAD NA! sino ba naman ako para hindi magpatawad, ang DYOS pinatawad ako sa mga kasalanan ko , nararapat lamang na ako ay magpatawad… makakagaan sa aking buhay at loob…” sabi ni Kitkat sa Facebook post, Feb. 23.

“Opo sa lahat ng nangyari ,,, totoo po lahat yun, pero again AKO PO AY NAGPAPATAWAD NA … thank YOU LORD for the strength,” dagdag niya.

Maraming salamat sa suporta at pagmamahal ninyo..

Dahil ako po ay minamahal ninyo at alam kong blessed ako, AKO PO AY…

Posted by Kitkat Kitkat Kitkat on Tuesday, February 23, 2021

Sa sarili niyang Facebook account ay nagbigay si Gibbs ng kanyang side sa insidente at sinabing si Kitkat ang nag-umpisa at na-provoke lamang siya.

“Nagpakumbaba napo ako. Tiniis ko ang pangbabash ng mga tao sa akin at sa aking pamilya. Humingi napo ako ng tawad, kahit na siya ang tunay na nagumpisa ng lahat. I was provoked. Pinahiya sa harap ng maraming tao sa studio,” lahad ni Gibbs.

“Pinag-ayos napo kami kanina. Akala ko ay ayos na. Tinanggap ko napo kahit hindi niya ako sinuklian ng paumanhin. Ngunit ngayong gabi ay nagpost nanaman sya. Pinalalabas na wala siyang kasalanan. Hindi ko napo kayang palampasin ito. Kailangan ko nang ipagtanggol ang aking reputasyon at higit sa lahat ang aking mga anak, na nkatatanggap din ng batikos sa mga tao. Oras na para malaman ng tao ang Buong katotohanan.”

Nagpakumbaba napo ako. Tiniis ko ang pangBabash ng mga tao sa akin at sa aking pamilya. Humingi napo ako ng tawad,kahit…

Posted by Janno Gibbs on Tuesday, February 23, 2021

Sinasabing nag-ugat ang iringan nina Kitkat at Gibbs sa isang taping ng variety game show na “Happy Time” sa Eagle Broadcasting Corporation Studio noong Feb. 18.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?