54
kulong-arrested
Feb 9, 2020 @ 15:30
By

Janitor swak sa pangungupit ng P500

Arestado kahapon ang isang janitor matapos mabuking sa pangungupit ng P500 sa isang stall sa Greenhills Shopping Center, San Juan City.

Nahaharap sa kasong qualified theft ang suspek na si Erwin Abaya, 31-anyos, matapos sampahan ng kaso ni Charriselyn Tibay, 30-anyos, OIC ng Watsons Virramall.

Ayon sa reklamo ni Tibay, pinaaresto ang suspek bandang 4:00 ng hapon, Pebrero 8, nang makita sa CCTV footages na nangupit ang suspek.

Nagbibilang ng kita ng maghapon ang complainant at nagkulang umano ng P500 ang kita nito kaya agad na tinanong ang store manager na si Dessa Bantaculo na agad namang ni-review ang CCTV footage at nakita ang suspek na naglagay ng pera sa kanyang bulsa habang naglilinis ng store.

Agad na pinadampot ang suspek at dinala sa PCP-1 ng San Juan Police station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?