397
Janine, Rayver nilanggam sa yate
By

Janine, Rayver nilanggam sa yate

Gaano katamis ang Valentine’s celebration niyo? Well, kung matamis ang sa inyo, get ready na mas kiligin sa mga pasabog ng mga celebrity sa kanilang Valentine’s celebration kasama ang kani-kanilang love!

Unahin na natin ang Valentine’s nina Heart and Sen. Chiz Escudero na nag-dinner date sa hotel. Dahil triple celebration `yon, birthday ni Heart that day, at kinabukasan naman ay 4th wedding anniversary nila! Kaya naman doble ang pasabog ni Chiz para sa minamahal na Love Marie!

Well, apat na taon na nga sila pero parang honeymoon stage parin ang sorpresa ni Chiz dahil nagpagawa pa siya ng bicolano love song na handog para lamang mismo kay Heart, with translation pa ‘yan ha! Aba nag-uumapaw rin ang kilig ni Heart at makikita sa mga post niya kung gaano siya napasaya ni Chiz!

Very happy rin ang magkasintahan na Gabbi Garcia at Khalil Ramos na nag-dinner sa isang fine-dining restaurant! Grabe rin ang tamis dahil siyempre hindi mawawala ang pa-bulaklak ni Khalil para kay Gabbi! Naka-red outfit si Gabbi na dagdag feels sa Valentine’s date nila.

Sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz naman, may mini escape na nagpag-beach pa! Nilalanggam sa sobrang lambingan habang nasa yate sina Rayver at Janine! Sobrang cute talaga ng dalawa! Maski ang kanilang kapwa artista ay kinikilig sa kanila!

Hindi rin nagpahuli sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte na pakiligin ang kanilang mga fan dahil may pa-chocolates and flowers si Ronnie para kay Loisa at siyempre nag-dinner date rin sila!

Sina Kim Chiu at Xian Lim naman ay kahit sa bahay lang ang date, espesyal pa rin dahil ate ni Kim ang nagluto para sa kanilang exclusive date!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?