28

Apr 6, 2021 @ 17:39
By

Janine pinakamasarap na katrabaho – JC Santos

Pinaulanan ng papuri ni JC Santos ang kanyang “Dito at Doon” co-star na si Janine Gutierrez.

“Si Janine ‘yung pinakamasarap na katrabaho dahil she’s super generous and open, and wala siyang wall kaagad. So approachable,” sey ni JC, 32, sa isang ulat.

“Kahit anong ibigay kong acting choice sa kanya, naibabalik sa akin kaagad at naibabalik sa akin nang mas maganda pa na hindi ko ine-expect.”

“Nagugulat ako every time, so gumaganda, kasi paulit-ulit din namin siyang ginagawa,” dagdag niya.

Nagbigay din siya ng halimbawa sa galing ng 31-anyos na aktres.

“Once na nagsabi na ang director ng ‘Action!’, in-love na kami. At once nagsabi na siya ng ‘Cut,’ ganun kabilis.”

“Sana maulit nang maulit pa na magkatrabaho kami,” hiling pa ng aktor.

Mapanonood na ang Dito at Doon sa iba’t ibang digital platforms.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?