17,872

Jan 7, 2022 @ 13:24
By

Janine paborito ‘pag pinapasok ni Paulo habang naliligo

Medyo nalungkot sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino dahil sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye nilang “Marry Me, Marry You.”

Ayon sa dalawa, talagang naging close sila sa isa’t isa habang ginagawa ang nasabing teleserye.

Mamimiss nga raw nila ang isa’t isa pati ang bangayan moments nila sa likod at harap ng kamera.

Nang tinanong si Janine at Paulo sa finale mediacon ng teleserye, kung ano ang kanilang paboritong scene, sinabi ni Janine na ‘yung kulitan nila bilang mag-asawa sa palabas ang paborito niya.

“Favorite scene ko ‘yung mga kulitan ng mag-asawa. ‘Yung mga nakakatawa nung sinu-shoot na namin ni Pau. Ginagawa ba talaga natin ‘to. ‘Yung parang may kababalaghang nangyayari sa sala tapos may pumasok na tao ta’s kailangan magtago,” pahayag ni Janine.

“O ‘yung naliligo ako tapos bigla siyang papasok. ‘Yung mga eksena na ako as a viewer, hindi ko pa napapanood sa teleserye na super light, charming and sweet way,” dagdag pa nito.

Sumang-ayon din si Paulo at sinabing ayon din daw ang kaniyang paboritong scene.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?