113

Oct 10, 2017 @ 10:46

Janine, nakulangan sa suporta ng GMAAC? Kaya lumayas

PERO ang isa sa proud sa pagiging opinionated ni Mariel ay ang pamangkin nitong si Janine Gutierrez.

Sabi ng Kapuso actress: “I love Mariel, sobrang hanga ako sa kanya na she knows what she’s talking about.”

“I think, she’s entitled to her own opinion. Hanga ako sa kanya kasi hindi siya natatakot na sabihin ‘yung mga iniisip niya.

“Kung meron siyang ipaglalaban na statement o nararamdaman niya, talagang ipaglalaban niya. Sa tingin ko dapat naman na ganu’n talaga, na if meron kang paniniwala na hindi ka mahiya dun sa paniniwala mo, as long as wala kang nasasagasaang ibang tao,” dugtong na sabi pa ni Janine.

Kahapon namin nakatsikahan si Janine sa Blue Rockets Café na kung saan pormal na siyang ipinakilala ni Leo Dominguez sa ilang movie press na bahagi na ito ng LVD Artist Management.

Hindi na nag-renew si Janine sa GMA Artist Center na nag-handle sa kanyang career sa loob ng tatlong taon. Safe ang sagot sa amin ni Janine bakit hindi na siya nag-renew sa GMA

Artist Center.

“Dati po kasi Artist Center and Mama. Eh bilang si Mama very busy rin at hindi naman talaga nawawalan ng trabaho. Umiikot din siya sa mga international film festival, ‘di ba? So, talagang busy din po talaga si Mama.

“‘Yung napag-usapan po namin to get a manager na makakatulong sa akin, and ‘yun din po talaga ‘yung gusto ni Mama kasi nag-open din siya ng restaurant, at gusto rin niyang matutukan ‘yun at ayaw din naman niyang mapabayaan ako.

“Super thankful kami kasi tinanggap din ako ni Tito Leo, at very excited din po siya nu’ng lumapit kami ni Mama sa kanya. Alam ko po na very busy din si Tito Leo sa mga alaga niya.”

Kinulit pa rin namin si Janine bakit hindi ito nag-renew ng kontrata sa GMAAC. Meron bang pagkukulang ang Artist Center sa pag-handle sa kanyang career?

“Sobrang okay po sila for me. Sobrang naalagaan po talaga ako ng GMA Artist Center for the past three years.

“Talagang madami pong nagawang projects at endorsement, so talagang nagpapasalamat din po talaga ako sa mga boss ng Artist Center para sa pagtutok at pag-alaga nila sa akin,” sagot sa amin ni Janine.

Ngayong kay Leo na si Janine, siya na ngayon ang nakipag-negotiate sa GMA 7 para sa renewal ng kontrata nito bilang Kapuso artist. Gusto pa rin naman ni Janine na manatiling isang Kapuso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?