19

Jun 13, 2020 @ 15:49

Janine nakiisa sa ‘ATB’ rally

Tumili si Lotlot de Leon sa kanyang comment sa posting ni Janine Gutierrez ng larawan nitong kuha sa pagdalo sa “Mañanita” rally sa UP Diliman, sa kasagsagan ng ulan at pag-alala sa ‘Araw ng Kalayaan’.

Dumalo nga si Janine sa rally at nakiisa sa panawagan na ‘Junk Terror Bill’.

Isang netizen ang nag-comment na may kinalaman sa COVID-19.

@ellarmaine: “Magka-Covid labas ng mga to”, kasunod ang laughing emoticon.

Hindi pinaligtas ni Lotlot ang comment na `yon kaya tinalakan niya ito.

“@ellarmaine SHAME ON YOU for wishing ill to others!!!”

Kumampi ang mga netizen kay Lotlot at kinuyog ang basher.

Samantala, patuloy sa pakikipag-debate si Janine sa mga follower na pilit ipinapaintindi sa kanya ang nilalaman ng ‘anti-terrorism bill’, na malayo sa pinaniniwalaan ng mga itong kawalan ng freedom of expression.

Kalmadong sinasagot ni Janine ang mga basher at sinabing lahat nang pagbasa sa bill, pagtatanong sa mga abugado at kung kani-kanino pa ay ginawa na niya para lang magkaroon siya ng kaalaman tungkol dito.

May nagtanong kay Janine kung terorista siya, kaya ayaw niya sa bill.

Sagot ni Janine, malalagay sa panganib ang lahat pati na ang mga inosenteng sibilyan. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?