1,271

Oct 15, 2017 @ 13:20

Janine, nainis sa ina niyang si Lotlot dahil kay Rayver

Kinilig si Janine Gutierrez sa usapin tungkol sa rumored boyfriend niyang si Rayver Cruz at ang kanyang mga parents na sina Lotlot De Leon at Ramon Christopher.

Ibinahagi ni Janine ang pagkakaroon ng “harmonious relationship” ng kanyang mama at papa kay Rayver.

Hindi na raw kailangan pang mag-effort ni Rayver na mapalapit sa kanyang ina dahil bago pa sila naging close, magiliw na raw ang Mommy Lotlot niya sa aktor.

Noong una raw, naiinis daw si Janine sa mommy niya dahil wala pa raw nangyayari sa kanila ni Rayver o hindi pa sila ganoong kalapit sa isa’t isa, kinikilig na raw ito sa naiisip na magkaroon sila ng romantic relationship.

Nauunawaan naman daw ni Janine kung bakit boto ang mommy niya kay Rayver dahil bago pa sila nagkakilala ni Rayver, magkaibigan na raw ang ina niya at ang Kapamilya actor.

Nagkasama raw ang dalawa sa isang pelikula at mula noon itinuring na raw na parang anak si Rayver ng mommy niya.

Madalas din daw nagpupunta si Rayver sa resto ng mommy niya sa Parañaque dahil nasa area rin ang tinitirhan ng aktor.

Maging sa papa ni Janine na si Monching, hindi daw naging mahirap kay Rayver ang maging okey sa tatay ni Janine.

Ayon pa sa Kapuso star, iisa ang paboritong sports ng dalawa, ito ay ang basketball.  Kaya doon pa lang swak na sa isa’t isa ang dalawa.

Masaya si Janine sa piling ni Rayver dahil bukod sa magandang qualities ng aktor, kasundo rin nito ang buo niyang pamilya.

Wala pa raw sina Janine at Rayver sa level na magkasintahan na sila. Pero mukhang hindi na kailangang maging official ang dalawa dahil sa mga sagot na lang ng aktres mararamdaman mong sa pagiging mag-dyowa rin hahantong ang kanilang samahan.

Samantala, bida si Janine kasama sina Cristine Reyes, Daniel Matsunaga at iba pa sa lalabas na suspense-horror film na “Spirit of the Glass 2, The Haunted” na dinirehe ni Joey Reyes.

Maxine ayaw sa live-in bago kasal

Isinisisi ni Maxine Medina sa sarili ang pagsabog ng engagement proposal ng pinsan niyang si Dianne Medina sa longtime partner nitong si Rodjun Cruz.

Kaya raw kumalat sa socmed ang balita sa engagement dahil si Maxine ang unang-unang nagposte ng nangyari.

Wala namang pinagsisihan si Maxine sa ginawa niya, natutuwa pa nga siya dahil finally nagkaroon na ng katuparan ang dasal nilang mauwi sa engagement ang relasyon ng dalawa.

Lagi nga raw nilang tinatanong si Rodjun kung kailan ito magpo-propose kay Dianne dahil bukod sa naiinip na sila, tanggap na ng buong clan nila ang Kapuso actor.

Kung ten years inabot ang relasyon nina Dianne at Rodjun, anim na taon naman ang relationship ng beauty queen sa model-boyfriend nito.

Feeling ni Maxine aabot din ng sampung taon ang love life nito bago magpakasal gaya ni Dianne.

Kahit daw matagal na ang relasyon nila ng boyfriend niya, hinding-hindi raw muna makikipag-live in si Maxine bago siya ikasal bilang respeto at pagkilala sa paniniwala ng kanyang lola at mga magulang.

Benjamin at Julie Anne strong pa rin ang relasyon

Nananatiling matatag ang relasyon nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose.  Tumanggi nga lang magbigay ng impormasyon ang aktor sa kung gaano na sila katagal ng Kapuso star, pero sabi nito mula raw nang maging malapit sila, doon na raw nila binilang ang tagal ng kanilang pag-iibigan.

Ang pagiging maunawain at trust sa isa’t isa ang nakikitang factor ni Benjamin kung bakit nagtagal ang kanilang relasyon ni Julie Anne.

Naiintindihan daw ng isa’t isa ang demand ng trabaho nila bilang mga artista ng serye.

Kapag nagkaroon daw sila ng libreng oras, pinupuntahan at dinadalaw ni Benjamin si Julie Anne.

‘Yun nga lang, never pang nagbakasyon sa isang out-of-town sina Benjamin at Julie Anne dahil sa sobrang busy ng kanilang schedule.

Ayaw magplano ni Benjamin ng out-of-town vacation o out of the country trip nila ni Julie Anne. Hindi pa raw nila napag-uusapan ang tungkol dito.

Wala raw problema kay Benjamin kung kailangan pa ng chaperone ni Julie Anne sa kanilang bakasyon.

Hindi pa raw kasi ito pinapayagang umalis nang walang kasama, partikular na ang kanyang ina na kahit saan magpunta ang aktres ay kasama ito.

Hindi rin nakikita ni Benjamin na dalhin si Julie Anne sa Guam para doon mag-Pasko at Bagong Taon. Dito raw kasi magdadaos ng kanyang holiday ang aktor.

Isa pa, nakilala na raw ng singer-actress ang parents ni Benjamin noong dumating ang mga ito sa ‘Pinas.

Si Benjamin nga pala ay kasama sa casts ng “Spirit of the Glass 2, The Haunted” na showing ngayong November 1 sa mga sinehan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?