20

Jul 22, 2020 @ 16:49
By

Janine kabado: Lotlot hinatulan si Rayver

May rating si Lotlot de Leon kay Rayver Cruz, ang boyfriend ng kanyang anak na si Janine Gutierrez.

Hinatulan din ng nanay ang mga naging “ex” ng anak.

“Rayver is a 9.5. Bigyan natin ng space na galingan pa niya lalo,” sey ni Lotlot sa latest vlog ni Janine na “Truth or Drink with Mom”.

“Bago si Rayver, 4. Hahaha!” aniya pa.

Nito lang Lunes, July 20, nagdiwang si Rayver ng kanyang 31st birthday.

Syempre pa, kasama ng aktor si Janine, ang kanyang kuya na si Rodjun Cruz at asawa nitong si Dianne Medina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?