100

Oct 10, 2017 @ 11:42

Janine, itinanggi ang paglipat sa Kapamilya

EXCITED si Janine Gutierrez na ang LVD ni Leo V. Dominguez ang nagma-manage sa career niya, at same handler na rin sila ni Ogie Alcasid, which is, si Ray Lanada. Nagpapasalamat daw siya na tinanggap siya ni Leo dahil alam daw niya na napaka-busy rin nito sa rami ng talents na mina-manage at lahat naman ay successful.

Dating co-managed si Janine ng GMA Artist Center at ng Mama niya na si Lotlot de Leon.

Pero ayon dito, “Ako kasi, I’ve always been familiar with Tito Leo kasi, idol ko ang mga alaga niya. Idol ko si Lovi (Poe).  And she greeted me na welcome to the family and super kilig naman ako.

“Kasi, she’s always been very nice. Mabait naman kasi si Lovi.  Excited ako. Excited akong talaga.”

Tinuldukan na rin ng manager ni Janine na si Leo ang ilang balita na lilipat na rin si Janine ng network.  From Kapuso to Kapamilya. Pero sabi ng bagong manager ni Janine, under negotiation na ang renewal contract nito sa GMA-7.

Katatapos lang ni Janine na mag-record ng kanta sa Los Angeles na ang producer ay isa sa producer ng mga kanta ni Lady Gaga na si Red One. Bukod pa rito, natapos na rin niya ang Spirit of the Glass na ipalalabas sa November 1 and a new digital series na Unbroken Hearts.

Eh, ‘yung nanalo rin siya recently ng Best Supporting Actress sa Urduja Heritage Film Awards for Dagsin.

Siyempre, very open naman na lumalabas sila ni Rayver Cruz at marami ang naniniwalang sila na naman. Bukod sa siya ang naging partner ni Rayver sa nakaraang Star Magic Ball.

At ang nakaraang birthday niya sa Bali, Indonesia na bukod sa mga barkada niya, kasama rin si Rayver. So, sila na nga?

“Hindi po, hindi po talaga, swear to God,” natawa niyang sabi.

Hindi raw niyang itatangging close talaga sila ni Rayver. At malapit daw kasi talaga si Rayver sa Mama niya at palagi itong nasa restaurant ng Mama niya.

Bukod dito, inamin din naman ni Janine na si Rayver ang pinaka-malapit na guy sa kanya ngayon. And yet, ligawan stage pa rin sila?

“Naku, si Rayver na lang po ang tanungin niyo. Mahirap magsalita for him.”

Ang birthday trip naman daw niya sa Indonesia ay mga barkada niya talaga ang kasama niyang nagplano, sumunod lang daw talaga sa kanila si Rayver.

“Matagal ko na pong plano ‘yun with my barkada. Sumunod lang po siya kasi galing po ako ng Bohol. Masaya, super saya. Kasi, mahilig po talaga ‘ko sa beach, ‘di ba?

“Tapos first time naming mag-out-of-the country na magbabarkada na magkakasama which is, matagal na naming pangarap.

“And with Rayver, masaya rin. Hahaha! Magkasundo rin po sila ng friends ko, e.  So, nag-enjoy naman po kami.” (ROSE GARCIA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?