29

Jan 15, 2021 @ 19:04
By

Janine Gutierrez tumawid na sa ABS-CBN

Tuluyan nang tinuldukan ni Janine Gutierrez ang walong taon niyang pagiging Kapuso.

Ito ay matapos pumirma ng aktres ng kontrata kasama ang Dreamscape at mga big boss ng ABS-CBN kanina.

Sa Twitter post ng Dreamscape Entertainment makikita ang bagong Kapamilya kasama ang pamununan ng naturang istasyon.


“Janine Gutierrez is now a certified Kapamilya!” ayon sa caption ng post.

“Contract signing of Janine Gutierrez with Dreamscape Head Deo Endrinal, ABS-CBN Bosses Carlo Katigbak, Mark Lopez, Cory Vidanes, Ric Tan, and her manager Leo Dominguez,” dagdag nito.

Una nang napabalitang lilipat ng ABS-CBN ang aktres matapos niyang hindi i-renew ang kontrata sa kabilang istasyon.

May upcoming movie si Gutierrez kasama si Kapamilya star Paulo Avelino na pinamagatang “Ngayon Kaya.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?