340

Dec 5, 2017 @ 9:59
By

Janine Gutierrez todo-paseksi sa Zambales

PILATES pala ang sikreto ni Janine Gutierrez sa pagkakaroon ng sexy figures. Basta may time si Janine, isinisingit niya ang pagpi-Pilates dahil imporante pa naman sa pagiging artista niya ang pagkakaroon ng magandang body figures.

Eh, mahilig din si Janine na mag-beach at madalas nga niyang i-post sa kanyang Instagram ang pictures na kuha kapag nagpupunta siya sa ganoong lugar.

Ah, dahil sexy nga, puwedeng naka-two-piece o one-piece lang siya kapag nagbi-beach.

Sa mini-series nga pala niya sa GMA 7, ang Unbroken Hearts, sa Iba, Zambales ang taping location nila tuwing weekend at sa istorya, isang beach resort ang negosyo nila ng ‘nanay’ niyang si Assunta de Rossi, kaya marami ang nagtatanong kung may scenes din ba na naka-bathing suit ang dalaga? Ang alam ko, marami at todo-paseksi talaga siya roon.

Anyway, noong Saturday ay nag-last taping na si Janine for Unbroken Hearts, pero hindi pa naman daw sure kung kailan ipapalabas ‘yon sa Kapuso network. (Jun Lalin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?