158

Jan 21, 2021 @ 22:25
By

Janine Gutierrez sabak agad sa ‘ASAP’

Matapos tumawid sa ABS-CBN at maging Kapamilya ay may project agad si Janine Gutierrez.

Magiging host siya ng “ASAP Natin ‘To” kung saan makakasama na niya ang kapatid niyang si Diego Gutierrez.

Sabi sa report ng ABS-CBN, maliban sa hosting job ay nakalinya ring trabaho kay Janine ang isang series at Star Cinema movie.

Ipapalabas ang “ASAP Natin ‘To” sa TV5 sa January 24 pati na sa iba pang platform na Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, Kapamilya Online Live, iWant TFC at TFC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?