77

Jan 24, 2021 @ 23:51
By

Janine Gutierrez nagpakitang-gilas sa ASAP

Sa ASAP Natin ‘To ginanap ang debut ng pinakabagong Kapamilya na si Janine Gutierrez.

Para sa kanyang debut, kumanta ang aktres ng “Panaginip” kasama sila Martin Nievera, Gary Valenciano at Ogie Alcasid.

“I am so happy to be here with all of you. Thank you so much for the warm Kapamilya welcome. I am so grateful and honored na kayo pa ang kasama ko dito sa first time ko sa ASAP stage. Thank you so much,” sambit niya pagkatapos ng kanilang pagtatanghal.

“This is the first time I’ve been inside a studio here. Surreal, parang panaginip talaga. I am just so happy that everything has fallen into place. It’s a new year, new opportunities,” dagdag pa niya.

Sa isang post ng opisyal na Instagram account ng ASAP, ibinahagi nila ang litrato ng aktres kasama sina Nievera, Valenciano at Alcasid sa entablado.

“SUPERSTARS. Welcome once again our dear @janinegutierrez !!!” ayon sa caption ng naturang post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?