413

Oct 25, 2017 @ 13:08

Janine Gutierrez gustong matikman ang galing nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo

By JUN LALIN

FINALLY, nag-renew na ng exclusive network contract sa GMA 7 si Janine Gutierrez. Kung matatandaan, marami ang nagdudang lilipat sa ABS-CBN si Janine nang um-attend siya sa Star Magic Ball 2017 bilang date ng rumored-boyfriend niyang si Rayver Cruz.

Eh, nang time na ‘yon, expired na pala ang exclusive contract ni Janine sa Kapuso network, pati sa GMA Artist Center, at pumirma pa siya ng management contract sa LVD Entertainment ni Leo Dominguez, kaya lalong tumindi ang tsikang mag-aalsa-balutan na nga siya sa Siyete.

Pero sabi nga nina Janine at Leo, malaki ang utang na loob ng anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher sa GMA 7, kaya hindi naman sila basta puwedeng umalis sa nasabing TV network.

At kahapon nga, pagkatapos ng ilang weeks na negosasyon, pumirma na uli ng exclusive contract sa Kapuso network ang apo ni Nora Aunor at pumayag din si Leo na maging co-manager sa career ni Janine ang GMAAC.

Hindi na binanggit kung gaano katagal ang bagong kontratang pinirmahan ni Janine sa Siyete, basta ang sabi lang ng dalawa, masaya siya sa pangyayaring ‘yon.

After ng signing ng renewal ng exclusive contract ni Janine kung saan kasama nila roon sina Ms. Lilybeth Rasonable (Senior VP for Entertainment) at si Ms. Gigi Santiago-Lara (GMAAC head), tumuloy na sila sa 7th floor ng GMA Network Center para pag-usapan ang bagong proyekto ng dalaga.

While waiting for the start ng meeting ng bago niyang show, inusisa namin si Janine about Rayver. True ba, lilipat sa Siyete si Rayver dahil sa kanya?

“Naku po,” nagulat si Janine. “Wala po akong alam diyan. And if ever naman po, hindi naman po siguro siya magdedesisyon na lumipat dahil lang sa akin,” sey ni Janine.

At dahil nag-renew na siya ng exclusive contract sa GMA 7, sino-sino ang gusto niyang makasama?

“Tom (Rodriguez), si Dennis (Trillo). Marami pa po,” say niya.

Ang parents naman niya, nasa ABS-CBN ngayon, so parang malabo na makasama kaagad niya ang mga ‘yon, pero sana raw in the future.

Ang lola naman niya na si Nora Aunor, gusto niyang makasama sa pelikula.

“Maganda po sana kung magkaka-movie kami. Nagkasama na po kami sa isang guesting sa TV, kasama rin po si Mama, pero sana maulit nga po ‘yon sa pelikula,” sey niya na pati raw ang Lolo Eddie Gutierrez niya ay makatrabaho raw sana niya.

Ang lola naman niyang si Pilita Corrales, dahil more on singing, magge-guest daw siya sa show nito next month sa isang hotel.

Samantala, GMA’s actress of crowned showbiz royalty ang tawag kay Janine ngayon ng mga tao sa Kapuso network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?