265

Oct 6, 2020 @ 21:52
By

Janine Berdin pinagtanggol sa retoke

Maraming nabighani sa mga nag-viral na photo ni ‘Tawag ng Tanghalan’ champion Janine Berdin dahil sa mistulang pagbabago sa mukha nito.

Maraming nagsasabi na nagparetoke raw ang singer, pinansin ang ilong nito na sinasabing tumangos.

Sa panayam naman ni Janine kay Darla Sauler, sinagot nito na kaya siya blooming ngayon ay dahil hindi siya natatakot sa pagbabago.

Sey pa niya, hindi naman masama na gumawa ng mga bagay na ikakasaya ng isang tao.

“Naging blooming po ako kasi hindi ako natakot mag-change. I think that’s everyone should keep in mind na we shouldn’t afraid of change. Na pwede rin tayong mag-change if there’s something you don’t like about yourself and you can’t be happy about it, you can do something to make yourself happy,” saad ni Janine. “Let us not condemn change. Kung may gustong mag-change ipa-change mo sila basta masaya sila.”

Happy ngayon si Janine sa kanyang look, na aniya’y dati ay nako-conscious pa siya sa kanyang itsura.

Sa social media, marami naman ang nagtanggol kay Janine sa mga nangba-bash dahil sa pagbabago sa kanyang itsura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?