382
janine
Jun 2, 2018 @ 19:57

Janine Berdin, kampeon sa ‘Tawag ng Tanghalan’

Itinanghal na grand winner sa “Tawag ng Tanghalan” ngayong taon ng “It’s Showtime” ang Cebuanang si Janine Berdin.

Naiuwi ng 16-anyos na dalagita ang P2 milyong premyo ngayong Sabado.

Maliban sa cash prize, nagkaroon din siya ng management contract at house and lot sa “Tawag ng Tanghalan” na ginanap sa Aliw Theater sa Pasay City.

Si Berdin ang nakahamig ng pinakamataas na puntos mula sa pinagsamang iskor ng mga hurado at sa text votes na 96.11%.

Pinataob niya sina Ato Arman na mayroon lamang 74.27% at Steven Paysu (61.80%).

Kinanta ni Berdin sa kompetisyon ang 1989 hit OPM song na “Nosi Ba Lasi” para makaselyo ng upuan sa top three.

Matapos ay kinanta niya ang medley ng mga kanta ni Bamboo na “Tatsulok”, “Hallelujah” at “Noypi” para maging kampeon. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?