272

Nov 20, 2018 @ 14:14
By

Janine ayaw matulad kina Lotlot, Monching

Looking forward si Janine Gutierrez sa Christmas.

Pupunta sila sa Los Angeles, California kasama ang father nilang si Ramon Christopher dahil ikakasal next month ang ina niyang si Lotlot de Leon.

“Una muna, wedding muna. Isang linggong celebration siguro ‘yon. Preparation, wedding and after wedding, gusto yata niyang mag-beach for few days. ‘Yung isang linggong ‘yon para kay Mama.

“Eh si Papa, ‘yung huling US niya eh 1991 pa. Ano po ‘yon, (Dec.) 22-29. Doon kami magpa-Pasko. Kinuha ko talaga ‘yung flight na (Dec.) 31, nandito na kami for New Year,” chika pa niya.

Aminado si Janine na ayaw niyang matulad ang buhay may-asawa niya na may hiwalayang magaganap.

“Ayoko! Hindi ako papayag! ‘Yun din naman ang turo sa akin ni Mama na huwag magmadali pagdating sa mga desisyon sa pag-ibig. Pag ‘yun na, ‘yun na talaga!” rason ni Janine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?