156

May 24, 2018 @ 20:48
By

Janice binulag sa ‘Magpakailanman’

Ang bongga lang ni Janice de Belen, na kahit sabi-sabing Kapamilya na naman siya, at kasama siya sa teleserye nina Maricel Soriano, Angel Locsin, hindi pa rin niya tinalikuran talaga ang GMA 7, ha!

Katunayan, mapapanood pa rin siya sa Magpakailanman sa May 26. Kahit tried and tested na ang husay niya sa pag-arte, siguradong marami na naman siyang paiiyakin sa mga eksena niya sa Magpakailanman dahil isang challenging at nakakaantig na kuwento ng isang guro ang gagampanan niya.

At hindi lang siya basta-bastang teacher dahil bulag ito. Idagdag mo pa ang mga anak niyang pinalalaki niyang mag-isa dahil isa siyang single mom. Paano kaya nalalampasan ni Teacher Tina ang mga pagsubok na kinakaharap niya sa araw-araw?

Kasama sina Mika dela Cruz, Bing Davao, Kevin Sagra, Jhiz Deocareza at Jayzelle Suan, wag palampasin ang isa na namang inspiring story na hatid ni Ms. Mel Tiangco sa Magpakailanman ngayong Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?