71

May 24, 2020 @ 15:50
By

Jang Nara higit P531M na ang mga donasyon

Lumampas na umano sa ₩13 bilyon o P531.74 milyon ang kabuuang halaga ng mga ginawang donasyon ni South Korean singer-actress Jang Nara.

Iniulat ito nitong Mayo 22, ngunit ayon sa Allkpop ay hindi tukoy ang eksaktong halaga ng mga naitulong ng ‘Oh My Baby’ star, na tumutulong nang palihim.

Sa isang panayam, tinanong si Jang Nara kung bakit ‘di niya pinababatid ang kanyang mga donasyon.

Tugon niya, “It’s not my money, but money I earned because of my fans.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?