761

Oct 13, 2021 @ 16:16
By

Janet Napoles may ibinuking kay Dick

Ibinunyag ni pork barrel scam ‘queen’ Janet Lim-Napoles na minsan nang may namagitan sa kanila ni Senador Dick Gordon.

Ngunit hindi ito romansa.

Sa isang panayam ni Atty. Larry Gadon kay Napoles nitong Lunes, sinabi ng detenidang businesswoman na may inabot siyang pera noon sa Senador bilang campaign money nito noong 2010 Elections.

“Senator Dick Gordon, pinatatanong lang po.. Yun bang binigay kong contirbution sa inyo noong Election 2010 na hinatid ko po sa unit niyo [a]y naisama niyo ba sa inyong report noong matapos kayong tumakabo?” ani Napoles.

https://fb.watch/8BWmmrjHf3/

“Sana po masagot niyo ang katanungan kong ito…Para naman po malaman ng taumbayan na nagbigay din ako sa inyo,” pagpapatuloy niya.

Sinundan naman ito ni Gadon at tinanong: “Sinasabi ba ni Senator Dick Gordon na hindi ka niya kilala?”

“Nung nakuong ako lahat [sila] hindi na ko kilala eh. Kaya sana po Senator Dick, sagutin niyo ang katanungan ko,” tugon niya.

Matatandaang taong 2015 nang makulong si Napoles matapos lumitaw bilang mastermind ng kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam na siyang kinasangkutan din umano nina Bong Revilla, Juan Ponce Enrile, at Jinggoy Estrada. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?