36

Jan 5, 2021 @ 16:31
By

Janella Salvador may anak na nga ba?

Nag-post si Kapamilya actress Janella Salvador ng litrato sa kanyang Instagram na may hawak na bata at nakahalik sa pisngi nito.

May caption itong, “It’s time.”


Wala namang kumpirmasyon mula kay Salvador kung anak niya ba ito ngunit kabilaan na ang pagbati sa kaniya ng mga kasamahan niya sa industriya ng showbiz at ng kaniyang mga fan.

Matatandaang gumawa ng ingay ang aktres matapos niyang lumipad patungong United Kingdom kasama ang nobyong si Markus Paterson at doon umano nanganak.

Setyembre ng nakaraang taon inamin ng dalawa ang kanilang relasyon. (VAPA)

https://www.instagram.com/p/CFCRTAuD9Hu/?igshid=gr9huc0b8bjf

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?