290

Jul 8, 2020 @ 8:00
By

Janella salbahe sa PA

Emosyonal na lumapit sa programa ni Raffy Tulfo si Michelle Pelongco na P.A (Personal Assistant) ng Kapamilya actress na si Janella Salvador.

Humingi ito ng tulong kay Tulfo upang magreklamo dahil sa umano’y kulang na bayad sa kanya ng aktres.

Sa pagkukwento ni Pelongco, sinabi nitong 8,000 lamang kada buwan ang natatanggap niyang suweldo mula sa aktres at may kulang pa ngayon na 3,600.

“Yung iba ko pong kasama, malaki po yung sahod, kaya nagulat din po sila sakin. Kasi yung PA daw po, hindi raw po biro yung trabaho,” paglalahad ni Pelongco.

Bukod pa sa 8,000 lamang na sahod, sinabi rin ni Pelangco na wala siyang SSS o PAG-IBIG.

Pina-alis din daw siya ng aktres nang magsabi ito sa isang handler nito tungkol sa sitwasyon niya sa pagtanggap ng suweldo.

“Bigla niya po akong sinabihan na ano… umalis nalang daw po ako dito, di ko raw po deserve yung pagkain dito,” kuwento pa niya.

Bukod pa riyan, sinabi rin ni Pelangco na iba ang pagkain na pinakakain sa kanila at iba rin ang pagkain sa mismong bahay nina Janella.

Ayon pa sa kanya, siya ay dating kasambahay nina Jea na prinomote bilang P.A.

Dahil dito, nag-trending ang pangalan ng aktres sa Twitter at marami ang nagulat sa isyu na ito.

Sa ngayon, wala pang sagot ang aktres o kahit sino man sa kanyang panig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?