36

By

Janella nagpaka-jologs kay Jameson

Sharing is caring!

Memorable para kina Janella Salvador at Jameson Blake ang unang pagtatambal nila sa pelikulang So Connected ng Regal Entertainmentm, na dinirek ni Jason Paul Laxamana.

Si Jameson kasi, noon pa man ay aminado na nga na si Janella ang dream leading lady niya.

“Before, people would always ask me, ‘If you would work with a leading lady, who would you choose?’ I’m like, ‘Maybe Janella, I think maybe we’d be a good match for a movie.’

“I’m like, ‘Someday baka may movie kami ni Janella. Maybe it would come true.’ I actually dreamt about it,” sabi ni Jameson.

Pero, hindi raw niya inaasahan na mangyayari agad ito sa lalong madaling panahon.

“I never really expected it would come true na ganito kabilis.”

“Ang So Connected Ito so far ang pinakamalaking role ko as a bida sa mainstream. Kasi nag-indie movie ako, so ito mainstream na ito. It’s like a big step in my life.

“It’s really special for me. Kasi I always wanted to work with Janella. And I’m happy it actually came true,” saad pa rin ni Jameson.

Well, marami nga ang nagsasabi na malakas ang chemistry nina Jameson at Janella.

“They believe that we could actually pull off the movie. It’s a great experience.”

Para naman kay Janella, breath of fresh air ang pagsasama nila ni Jameson.

“He’s very nice, actually. I have no problem working with him at all because sobrang light lang ng aura niya, sobrang good vibes lang, and masaya siya to work with,” she commends.

Coming from a solid love team in the previous Regal Entertainment movie, Janella admits that she had to adjust in working with a new leading man in the person of Jameson.

However, she welcomes this change because this will only help her to a better actress.

“Syempre, may adjustment. Medyo after a few projects with the same leading man, hindi ako sanay na bago, pero it’s always nice to try something new. I think it’s good growth din as an actress.”

Anyway, ginagampanan ni Janella ang role bilang Trisha, a self-supporting young woman, who hopes to help her family. Para kay Janella, out-of-the-box character ito.

“Nag-enjoy ako dito sa role na ‘to kasi nga it’s something different for me, kasi halos lahat ng roles na ginawa ko before maarte o kaya younger.

“Ito, hindi lang mature. Mas jologs talaga yung character ko. Sobrang jologs niya.”

“And it’s so fun to do it kasi in real life, may makulit side din talaga ako. So nalabas ko sa character na ito.”

Ang So Connected ay palabas na sa May 23. Kasama rin sa pelikula sina Ruby Rodriguez, Rolando Inocencio, Cherise Castro, Krystal Brimner, Paulo Angeles, VJ Mendoza, Chai Fonacier, Rafael Sudayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?