119

Feb 26, 2018 @ 15:26
By

Janella, naging masasakitin

Humingi ng paumanhin si Janella Salvador sa mga taga-Nagtipuhan, Quezon Province kaugnay sa kabiguan niyang makapagbigay ng entertainment sa kanila.

Hindi kasi nagawang makakanta ni Janella sa taunang festival celebration nito dahil sa kanyang tonsillitis.

Sa Twitter post niya, nag-sorry ito sa kanyang mga tagahanga.

@superjanella, “I regret to inform you that not be able to sing at the Penenkakasisit Festival anymore tonight due to tonsillitis & other health issues. I’ve been trying to recover and preserve my voice since yesterday but I guess my body is really just telling me to rest.”

Hindi nilinaw ni Janella sa kanyang posting kung nakarating ba siya sa festival at hindi lang nakakanta o hindi siya nakadalo dahil sa kanyang kalagayan.

Nagiging masasakitin nitong mga nakaraang linggo ang aktres. Noong bago mag-showing ang “My Fairy Tail Love Story” nagkaroon ng intestinal flu ang aktres dahilan para makansela ang mga schedules at commitments nito.

Kakatapos lang ng showing ng kanyang pelikula, inatake naman ng sakit niya sa tonsils ang aktres.

‘Yun nga lang sa halip na pumayat si Janella sa madalas niyang pagkakasakit, tila tumataba pa siya.

Nahalata namin ito sa huling presscon ng kanyang movie at sa mga larawang nakaposte sa kanyang IG.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?