19

Feb 12, 2021 @ 10:09

Janella, Markus balik-Maynila kasama si baby Jude

Matapos ang ilang buwang paninirahan sa United Kingdom, umuwi na sa Pilipinas ang showbiz couple na sina Janella Salvador at Markus Paterson kasama ang kanilang sanggol na si Jude.

Binahagi ng Filipino-English aktor-singer sa kanyang Instagram story na nakauwi na ang anak.

“Welcome home bear,” aniya kalakip ang emoji ng watawat ng ‘Pinas.

Nag-post din sina Janella at Markus ng larawan nila sa loob ng Heathrow Airport, habang naghihintay ng kanilang flight pauwi ng bansa.

View this post on Instagram

A post shared by markus (@markus)

Lumipad ang dalawa patungong UK noong Setyembre 2020, o isang buwan bago manganak ng Filipino aktres-singer.

Una nang sinabi ni Salvador na kaya matagal bago nila isinapubliko si baby Jude ay dahil “I wanted to cherish the moment in my life, na first time ko maging mom.”

“Iyong wala munang ingay, ‘yung may sarili muna akong moment to enjoy it,” sey niya pa sa isang vlog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?