16
janella-elmo
By

Janella hinding-hindi pagsasawaan ni Elmo

Sharing is caring!

Hindi raw mapapagod si Elmo Magalona na hintaying maging ready ang ka-loveteam na si Janella Salvador na dalhin ang kanilang relasyon sa next level.

“Lagi naman akong vocal sa kanya na hindi lang siya basta kaibigan sa akin, mas higit pa siya doon. Naiintindihan ko na bata pa si Janella at marami pa siyang ibang priorities sa buhay niya. Pero hindi ibig sabihin na ititigil ko na itong nararamdaman ko para sa kanya ,” sabi ni Elmo.

Focus ngayon ang dalawa sa kanilang career lalo pa’t kapwa sila galing sa pamilya ng mahuhusay na showbiz personalities. Nang tanungin kung may pressure pa rin ba kay Elmo, ang sagot ng binata, “Nandun talaga iyong pressure. Marami pa ang nagsasabi sa akin na susunod ako sa yapak ng tatay ko at gawin ang mga bagay na nagawa niya.”

Hindi naman ito gaanong ramdam ni Janela bagama’t aminado siyang mahiyain siya noong bata.

“Mahiyain ako noong bata ako pero buong buhay ko umikot na sa musika. Kaya totoo nga ang sinabi nila sa banyo ako kumakanta dati,” pag-amin ni Janella.

Malayo na nga ang narating ng dalawa simula nang nagtambal sila sa Born For You. Bukod sa kanilang pelikula na My Fairytale Love Story, sila rin ang napiling unang kumanta sa pagbabalik ng Tunog Star Magic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?