225

By

Janella, Elmo ‘nganga’ pa rin sa project

Sharing is caring!

May ilang mga fan ng ElNella love team ang nagtatanong kung kailan ba magkakaroon ng series uli sa ABS-CBN sina Elmo Magalona at Janella Salvador, pero ‘yung tinanungan ko kahapon, nagsabing wala pa at for pitching pa ang next series ng dalawa.

Eh, type ng mga fan nila na magka-project na kaagad sila dahil sobra nga silang nag-react sa So Connected ng Regal Entertainment kung saan ay kay Jameson Blake muna ipinareha ang young actress, huh!

Para sa mga fan ng ElNella love team, kay Elmo talaga bagay lang si Janella. Pero mukhang magdi-disagree sa kanila ang nanay ni Janella na si Jenine Desiderio, huh!

Hahaha!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?