75

Jun 23, 2022 @ 17:08
By

Janella binitbit dyunakis sa El Nido

Naglaan ng quality time para sa kanyang anak na si Jude si Janella Salvador.

Dalawang linggo matapos nilang mamasyal mag-ina sa Boracay, dinala naman ng aktres ang anak sa El Nido, Palawan.

Sa recent IG post, makikita si Janella na kandong ang one-year-old son habang nasa yate. May kasama rin silang ilang kaibigan.

“Snippets from the @elnidoyachtingclub experience,” caption ng gaganap na Valentina sa “Darna” TV series.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?