227

Nov 19, 2021 @ 15:30
By

Janella ‘babaeng ahas’

Tama ang hula ng mga netizen!

Ipinakilala na si Janella Salvador na siyang gaganap sa reyna ng mga ahas at mortal na kaaway ni “Darna” – si Valentina – sa “Darna: The TV Series”.

Trending ngayon ang #TheValentinaReveal dahil sa pag-aabang ng mga netizen sa announcement ng ABS-CBN ngayong Biyernes.

Ipinalabas ang #TheValentinaReveal sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page, kung saan ipinakilala si Salvador bilang lawyer at vlogger na si Regina/Valentina.

Ang direktor mismo ng serye na si Chito S. Roño ang pumili kay Salvador mula sa mga nag-audition.

Kahapon ay nag-trending ang hashtag na Valentina dahil kanya-kanya nang hula ang mga netizen kung sino ito, kung saan matunog ang pangalan ni Salvador. (IS)
Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?