104

Jan 12, 2022 @ 14:33
By

Jane Oineza positive sa test kit

Positive si Jane Oineza.

Ngunit hindi sa pregnancy test kundi sa COVID-19, gayundin si RK Bagatsing.

Inakala ng mga follower nila na buntis ang aktres dahil sa itsura ng test kit.

“Nalito tuloy ako positive sa pregnancy test,” comment ni tin.8185.

“Na excite ako kala ko buntis na,” sambit ni Faith Bueno.

“Akala ko pregnancy test nung di ko pa nabasa yung caption.HEHE sorry na.Medyo marites,” sabi naman ni Clara Abastillas.

Sa ngayon ay nag-negative na raw sina Jane at RK sa COVID.

“How it’s been the past few days… but yay!!! Finally tested negative. (Swipe till the last slide). How is everyone? Don’t forget to rest up, drink your vitamins, eat well and be kind to yourself. We got this! One step at a time. Stay strong and stay safe!!” caption ni Jane.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?