20
jane-kyle
By

Jane at Kyle engaged na?

Sharing is caring!

Promise ring lang daw ang suot-suot ni Jane Oineza na bigay sa kanya ng kanyang dyowang si Kyle Secades na katulad niya ay dati ring PBB housemate.

Mula nang maging officially on sila, lagi na raw niya itong suot hanggang napansin nga ito ng netizens at pinagdudahang isa itong engagement ring.

Itinanggi ito ni Jane dahil napakaaga pa raw para pag-isipan nila ang lumagay sa tahimik lalo na at ngayon lang halos umaariba ang kanyang career, noh!

Pareho pa nilang tinatrabaho ang kani-kanilang careers at wala pa sila sa puntong pinag-uusapan ang tungkol sa pag-build ng sarili nilang pamilya together.

Go with flow lang ang drama nila at enjoy-enjoy sa kanilang budding relationship.

Magbawas pa ng kanyang timbang at hindi pag-aasawa ang isa sa kanyang personal goals ngayong taong 2018.

Dapat lang!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?