17

Dec 5, 2020 @ 18:47
By

Jane de Leon ‘lilipad’ sa Darna TV series

Tuloy na tuloy ang paglipad ni “Darna”.

Inanunsyo ng ABS-CBN na postponed man ang dapat sana’y bagong “Darna” movie ay magkakaroon naman ng TV series ang Pinay superhero na gagampanan ni Jane de Leon.

Kasunod iyon ng pag-renew ni Jane ng kontrata sa ABS-CBN.

“Ngayong 2021 na po, ‘Mars Ravelo’s Darna: The TV Series starring Jane De Leon,” announcement ni ABS-CBN chief operating officer Cory Vidanes sa isang ulat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?