9

By

Jamon, Ludovice malupit ang tambalan

Sharing is caring!

Ibinigay ng ‘dynamic duo’ ng Pasay City Voyagers na sina Jan Jamon at Yvan Ludovice ang ikalawang sunod na panalo ng koponan nang alpasan ang Imus Bandera, 79-75 sa MPBL Datu Cup kagabi sa Muntinlupa Sports Complex.

Pinoste ni Jamon ang kanyang career high na 27 puntos habang 23 puntos naman ang inambag ni Ludovice para itala sa Voyagers ang kanilang ikaapat na panalo sa 11 laro.

Tumala ng 16 puntos sa second half si Jamon kabilang na ang lay-up nito sa huling 26 segundo ng laro na nagpaangat sa Voyagers, 76-75.

Sa huling 20 segundo ay nagmintis ang jumpshot ni Wilson Baltazar at napilitan ang Imus na i-foul si Ludovice at parehong naipasok ni Ludovice ang freethrow para inaangat 78-75 ang iskor pabor sa Pasay.

Nakuha pang ma-steal ni Ludovice ang bola kay Matthew Bernabe at dito na tuluyang naselyuhan ng Pasay ang kanilang panalo.

Matapos manalo ng apat na magkakasunod na laro, lagapak ang Imus sa 5-5 win-loss record sa Southern Division. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?