78

Sep 20, 2021 @ 20:26
By

JaMill nagbukas ng negosyo

Nagbukas ng una nilang business venture sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad, na mas kilalang JaMill.

Sa Instagram, ibinahagi ni Jayzam ang litrato habang nasa harap sila ng kabubukas lang na car service business na pinangalanan nilang “Shimmer & Shield”.

“New Blessings. Open na ang Jamill Auto Services natin,” caption ni Jayzam.

May isa pang post kung saan makikita ang JaMill bago ang ginanap na ribbon cutting para sa kanilang grand opening.

“Ty Lord,” sey ni Jayzam.

Naging kontrobersiyal ang JaMill matapos nilang i-shutdown ang kanilang YouTube channel na may 12 million followers.

Sey ni Camille, siya ang nag-delete ng kanilang YT channel dahil sa problema nila sa relasyon ni Jayzam.

Kalaunan ay nagbukas sila ng bagong YouTube channel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?