22

Sep 15, 2021 @ 11:45
By

JaMill magba-vlog uli?

Mukhang magbabalik muli sa pagba-vlog sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad.

Inanunsyo kasi ni Camille na may ipo-post silang vlog ngayong Miyerkoles.

Makikita rin sa Instagram ni Mareng Camille ang maikling video ni Jayzam na nag-e-edit ng video.

https://instagram.com/stories/camilleptrinidad/2662538455646982208?utm_source=ig_story_item_share&utm_medium=copy_link

“Bukas na abangan!!!” caption niya.

Nito lamang nakaraang buwan nang burahin ng copule ang kanilang YouTube channel na mayroong mahigit 12 million subscribers.

Dahilan nila, gusto naman nilang mamuhay nang normal.

Hinala naman ng mga netizen, maaaring sila ang blind item ng Bureau of Internal Revenue kaugnay sa influencers na nag-delete ng social media account dahil ayaw magbayad ng buwis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?