7

Jan 25, 2021 @ 16:40
By

Jamie Rivera may bagong single

Upang ipagdiwang ang ika-500 anibersaryo ng Kristyanismo sa bansa, inilabas ni Inspirational Diva Jamie Rivera ang bago niyang kantang “We Give Our Yes” na magsisilbing ‘Official Mission Song’ ng selebrasyon.

Sa Instagram post ni Rivera, makikita ang munting pasilip ng kanyang single.

https://www.instagram.com/p/CKawtyFJzjG/?utm_source=ig_web_copy_link

“Jamie Rivera sings ‘We Give Our Yes’, the Official Mission Song in celebration of 500 Years of Christianity in the Philippines,” saad niya sa caption ng naturang post.

“Pre-save the song here https://backl.ink/144078173”

Matatandaang si Rivera ang kumanta ng ‘We Are All God’s Children’ noong Papal Visit taong 2015.

Kamakailan lang nang pinangaralan ang Inspirational Diva ng Hall of Fame award para sa kategoryang Best Inspirational Song noong ika-42 Catholic Mass Media Awards ng nakaraang taon

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?