98

Feb 17, 2018 @ 11:55

Jamie Foxx, nag-walkout sa ESPN live interview dahil kay Katie Holmes

Halatang ayaw pag-usapan ni Jamie Foxx si Katie Holmes.

Sa live interview sa kanya ng “SportsCenter” ng ESPN habang kausap si Michael Smith, maayos naman ang naging usapan nila tungkol sa All-Star Celebrity Game sa NBA All-Star weekend sa L.A.

Pero nang biglang tinanong si Foxx hinggil sa preparasyon nito sa laro at kung naglaro sila ng basketball ni Holmes noong Valentine’s Day, biglang tayo ito, tinanggal ang suot na headset saka nag-walk out na walang pasabi.

Hindi pinangangalandakan nina Foxx at Holmes ang kanilang relasyon at umiiwas na isapubliko ito kahit alam naman ng iba na may relasyon na sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?