146
abante-tnt-vismin-james-janella
By

Jameson, Janella ikinumpara kina Kim, Gerald

Sharing is caring!

Palabas na today ang pelikulang So Connected ng Regal Films na pinagbibidahan sa unang pagkakataon ng bagong team-up nina Janella Salvador at ng Hashtag na si Jameson Blake.

‘Neng, may tulog ang loveteams ng iba sa dalawa, kahit pa ang ElNella loveteam ha. Puwedeng i-develop pa at bigyan ng follow-up project sina Jameson at Janella dahil sa lakas ng chemistry nila sa screen.

Natural ang dating nila at may kilig talaga. Yung kilig at tilian ng mga fans na narinig namin mismo sa ginanap na premiere night ng pelikula sa SM Megamall, kung hindi namin alam na sina Janella at Elmo Magalona ang loveteam na mukhang hindi lang on-screen e, iisipin naming sina Jameson at Janella ang talagang established loveteam.

Pareho naman silang Kapamilya kaya may chance kung gugustuhin na bigyan ng follow-up project ang dalawa. May comedic timing din si Janella, hindi lang pala siya pang-drama. Puwede siyang mala-Kim Chiu na puwede sa comedy ha. At si Jameson, though nang makausap namin sila after ng premiere night, nakita raw niyang he could do better pa nang mapanood na niya ang buong movie, for a newcomer in a movie, promising si Jameson. Nakikita namin sa kanya si James Reid at sa look, dyume-Gerald Anderson.

Hindi kami masyadong nag-expect sa So Connected pero lumabas kami na natuwa. May punto pala ang writer at director ng movie na si Direk Jason Paul Laxamana na i-push sina Jameson at Janella instead of a known loveteam na. May aral ang movie lalo na sa mga millennial na masyadong attach o mundo na ang socmed. Hindi siya basta kilig movie lang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?