By

Jameson Blake nilait-lait ng kampo nina Elmo-Janella

Sharing is caring!

Nakakatanggap na raw si Jameson Blake ng iba’t ibang panlalait dahil sa pagsasama nila ni Janella Salvador sa So Connected ng Regal Films.

Next year pa naman ito ipapalabas at hindi pa umaandar ang promotions na ito, pero kung ano-ano nang akusasyon ang nababasa niya sa kanyang social media accounts mula sa ElNella fans.

Gustong linawin ni Jameson na wala siyang planong sirain ang loveteam ng dalawa dahil para sa kanya ay isang pelikula lang ito na pareho nilang ginustong gawin at inaprubahan ng kani-kanilang managers.

Anyway, kesa raw ma-bad trip siya sa kanyang mga nababasa, focus daw muna siya sa movie na Haunted Forest mula pa rin sa Regal na ipapalabas na sa December 25 bilang entry sa MMFF 25.

Excited daw siyang makita ang float nito sa gaganaping Parade of Stars dahil alam niyang kakaiba ang sa kanila bilang nag-iisang horror movie sa lahat ng entries.

Naku, sa grand mediacon nga ay nakakasyokot na ang ambience, much more kaya sa kanilang float na dapat ay talagang malakas ang impact dahil libu-libong tao ang makikiusyoso sa kanila, noh!

Tungkol naman sa pagkukumpara ng Haunted Forest sa big hit movie ng Regal Films na Haunted Mansion na naging entry rin noon sa MMFF, para sa kanya ay iba rin ang datingan ng movie nila dahil mas maraming digital works ang ginamit dito para ramdam na ramdam talaga ng lahat ang takot at gulat habang pinapanood ito. (Glenn Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?