44

Sep 17, 2021 @ 16:33
By

James Yap pinasok ang YouTube

Mapapanood na ng mga fan ang mga ganap sa buhay ni “Big Game” James Yap.

Nagbukas siya ng sariling YouTube channel na “James Yap Official”, na may 2.58K subscribers na habang sinusulat ito.

Para sa kanyang unang vlog, ipinasilip ng PBA player ang “bubble life” ng team niyang Rain or Shine sa Pampanga.

Ipinakita rin niya ang pagwo-workout nila ng kanyang teammates bago magpunta sa kanilang praktis.

Tumagal ng lagpas sampung minuto ang una niyang vlog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?