289

By

James Yap iti-trade ba ng Rain or Shine?

Matapos papirmahin ng three-year contract extension, may balak ba ang Rain or Shine management na i-trade ang two-time PBA MVP na si James Yap?

Ayon sa co-team owner ng koponan na si Raymund Yu, kanila lang nalaman ang trade rumor mismo kay Yap nang magtanong ito tungkol sa kanyang status sa team.

“Boss, are you trading me?” tanong ni Yap ayon kay Yu base sa artikulo ng Spin.ph.

Saad ni Yu, siya’y nagulat sa tanong ng manlalaro dahil lingid sa kanyang kaalaman ang mga trade rumor.

“Hindi naman kasi ako active sa social media so I was not really aware of it. ‘Yun pala may mga kumakalat nang ganun,” ayon kay Yu.

Ayon pa kay Yu, posibleng nagsimula ang haka-haka na mailipat si Yap pabalik sa isang SMC team ay nagsimula umano sa pagkaka-trade ng dating TNT guard na si Terrence Romeo.

Hiling naman ni Yu, sana umano’y sa kanilang koponan na magretiro si Yap, na naglaro para sa Welcoat noong amateur pa sa Philippine Basketball League (PBL). (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?