133

By

James Yap binatikos sa picture kay Bong Go

Sharing is caring!

Game na umakbay si Rain or Shine player James Yap para sa isang photo op kasama ang senatorial candidate na si Bong Go.

Sa Instagram post ng manlalaro, naka-DU30 jacket si Go, habang nakipag-picture kay Yap.

Dahil sa nasabing picture, maraming netizen ang ang kumontra kay Yap, na tila nagagamit umano sa kampanya ni Go.

“No to GaGo. Epal pa more” ayon kay ellahalili_

“Choose those people you endorse, bong go is not even deserving to run for senate, may i see his track record? My elementary teacher is even better than him at all aspect” saad naman ni miradogma.

View this post on Instagram

☝️

A post shared by James Yap (@jamesyap18) on

Matatandaan na itinalagang head of delegation si ang dating top aide ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa Gilas Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?