13

Sep 15, 2020 @ 0:28
By

James, Westbrook sinugod sa bubble

Sinugod ng mga welgista ang NBA Bubble sa Orlando, Florida upang hingin ang simpatya ng mga NBA player, lalo na ng mga superstar.

Nagtipon-tipon ang mga ito sa tapat ng Disney World para humirit ng suporta, una na kina stars kina LeBron James at Russel Westbrook.

Hiniling nilang samahan silang ipaglabang muli ang katagang #BlackLivesMatter.

Sa kainitan ng kilos protest ng BLM, aktibong kabilang sina James at Westbrook kaya hangad ng ilang raliyista na tulungan uli sila sa kanilang ipinaglalaban.

Bunsod ang welga sa pinaslang na si George Floyd na hanggang sa ngayo’y naghahanap ng hustisya, at pinag-init sa pagkitit sa22-anyos na si Salaythis Melvin sa isang mall sa Orange Country, Florida.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?