lebron10

James umiskor ng 44 points, itinabla ang serye kontra Celtics

Sharing is caring!

Nangunang muli si LeBron James sa Cleveland Cavaliers sa pagtala ng 44 points laban sa Boston Celtics, 111-102, sa Quicken Loans Arena nitong Lunes (Martes sa Pinas).

Dahil dito, tabla na sa Eastern Conference finals ang Cavs at Celtics sa 2-2.

Tumulong ng 14 points si Kyle Korver para sa Cavaliers habang may idinagdag din si Tristan Thompson na 13 points at 12 rebounds.

Dumale rin ng 13 points si George Hill habang kumolekta ng 9 points at 11 rebounds si Kevin Love.

Sa panig naman ng Boston, nanguna sa listahan sina Jaylen Brown na may 25 points at Jayson Tatum na may 17.

Naiiwan na lang ng walong puntos sa 3:40 minuto ng 3rd ang Celtics 80-72 sa basket ni Tatum.

Pero agad itong sinawata ng Cleveland sa pagragasa ng 9-2 run para ibalik sa 15 ang kanilang abante at hindi na nakalapit pa ang Boston.

Susubukan namang makauna muli ng Celtics sa pagbabalik sa Boston ng Game 5 sa Miyerkoles (Huwebes sa Pinas).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?