53

Feb 21, 2020 @ 12:21
By

James Spencer pumalag sa fake news

Kinontra ni University of the Philippines Fighting Maroons forward James Spencer na maglalaro siya para sa Marinerong Pilipino sa PBA D-League.

Sa tweet ng Twitter account na PBA insider, sinabing maglalaro si Spencer kasama ang Juan at Javi Gomez de Liano, pati na rin sina Joshua Torralba at Jollo Go.

“#fakenews” sey ni Spencer sa nasabing impormasyon.

Sa nagdaan na draft ng PBA D-League, kinuha ng Marinerong Pilipino si Spencer, kasama sina Go at Torralba, ngunit walang kumpirmasyon kung pumirma na ito ng kontrata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?