626
lebronjames
By

James ‘sabik’ kay Wade

Sharing is caring!

Nasa huli ang pagsisisi.

‘Yan ang sentimyento ngayon ni Cleveland Cavaliers superstar LeBron James sa pagkakalipat ng kanyang matalik na kaibigan na si Dwayne Wade pabalik sa Miami Heat.

Kung si ‘King James’ ang tatanungin, malaki sana ang maitutulong ni Wade sa NBA Finals kung saan sadlak ang kanilang koponan sa tatlong talo at walang panalo.

“Oh absolutely. I mean not only from a brotherhood aspect, and what we know about one another, and also from an experience factor. He’s a guy that’s kind of built for the postseason at this point in his career,” saad ni LeBron.

Ngayong nanganganib na mawalis ang Cavs sa serye, hindi naiwasan ni LeBron na magsisi sa paglipat ni Wade.

“It seems so long ago that he was even a part of this ballclub, but I definitely think about it from time to time,” dagdag pa niya.

Muling nagsama sa Cleveland ngayong taon ang dalawa pagkatapos ng kanilang championship run sa Miami noong 2012 at 2013 ngunit biglang binalik sa Heat ang 36-anyos na si Wade kapalit ng future second round pick sa kalagitnaan ng season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?