25

Feb 25, 2021 @ 15:59
By

James Reid may online concert

Inanunsyo ni Kapamilya star James Reid na magkakaroon siya ng isang virtual concert na may adbokasiya sa mental health sa kasalukuyang panahon ng pandemya.

Pinamagatan ang naturang event ng “TaskUs Dibs: James Reid.”

Kasabay nito ang launching ng isang site ng BPO company sa Tagbilaran City, Bohol.

“2020’s been a tough year. It’s important that you look forward to what’s to come, and that you recognize the struggles and power through it,” anang singer-songwriter sa panayam ng ABS-CBN News.

“Doing so breeds a deep-seated internal confidence that leads to growth and healing, which I hope everyone finds through looking inwards—especially during this pandemic,” pagpapatuloy niya.

Anang aktor, kasama sa plano niya ngayong taon ang lalo pang madiskubre ang kanyang musika bukod sa pagpepelikula at pag-arte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?